?

Log in

No account? Create an account
The Ultimate Mister Kabab LJ Community's Journal
 
[Most Recent Entries] [Calendar View] [Friends]

Below are the 4 most recent journal entries recorded in The Ultimate Mister Kabab LJ Community's LiveJournal:

Sunday, January 27th, 2008
11:28 pm
[sisigwithrice]
oh kay tagal na...
ang tagal ko nang hindi nakakabalik sa mister kebab! im ashamed of myself! hahahaha!
mag iisa't kalahating buwan na! :( gusto kong matikman ulit yung sarap ng keema, yung silky texture and creamyness ng ox brain, yung beryai rice na lunod sa white sauce, pati ng chelo kebab na sinawsaw sa plaun yogurt! :( kahit yung mga waiter na matagal mag serve ng order na mimiss ko na! hahahahaha!
pati yung mga bakal na baso na masarap hawakan kapag malamig ang laman. rawr!

oh giliw ko, miss ns miss kita. sana'y lagi kitang makasama...

top one panaman ang mister kebab sa top three bestest best places to eat ko...

1.) mister kebab
2.) kowloon house
3.) ate Fe's

miss ko nang lumakad patungong mister kebab pagkatapos uminom kila aliboy. ( friend ko na nakatira sa west-tri )
kahit 2am na ang dami paring tao. panalong panalo talaga! shet! dapat within this week makakain ako dun ulit!

Current Mood: hungry
Thursday, September 27th, 2007
6:19 pm
[spinero_solidum]
mga alaalang kabab
lumaki ako diyan sa heroes hills, isang village sa likod na likod lang ng mister kabab. sobrang lapit lang ng kabab sa amin, nilalakad ko lang kung maisipan kong mag sizzling keema with eggplant (ang aking all-time fave dish). tanda ko pa nung nagsimulang isang parang hole-in-the-wall resto ang kabab. hindi pa "mister kabab" ang bansag sa kanya noon. "persia house" pa ang ngalan nito. under different management pa sila nun, datapwat halos pareho na rin ang menu noon. may ilang dishes lang na nawala. di ko lang sure kung meron pa rin sila ng daal masur na isang lentil soup na kulay dilaw. masarap isawsaw ang pita bread dito. di ko rin sure kung meron pang eggplant/spinach with yoghurt dish. isa ito sa mga veggie staples nila noon na masarap ding parisan ng pita. dati rin kapag umorder ka ng hummus (garbanzos) or motabal (eggplant), may kasama na tong isang libreng pita. parang hindi na yata ganun ngayon. tapos eventually, binenta nung naunang proprietor yung persia house at naging mister kabab na ito. siguro mga early ninties pa ito dahil naalala ko high school pa ko nun (ang tanda ko na hahahahaha). tapos alam ninyo ba pwede kayong bumili ng special pita bread nila. iba pa itsura nito, dehins siya bilog kundi parihaba (rectangle) na may sukat na 18" x 8". naalala kong sang damakmak na pita ang binibili namin nun para puwedeng kainin sa bahay. pangalan pala ng current proprietor ngayon ay si Mori. di ko lang alam apelyido niya. siya yung kulot na laging nakangiti at always attentive kung nagkataong siya kukuha ng order mo. when mori took over, maliit pa rin nun ang kabab. tipong 1/6 to 1/8 lang siya kung gaano siya kalaki ngayon. ang ingenius pa ay yung dating lampshade nila ay mga clear na batyang pininturahan na mukhang stained glass kung inilawan. tapos, kung tama ang alala ko, mga 8 tables lang meron ang kabab nun. at yung katabi ng kabab noon ay isang karaoke bar (di pa uso videoke nun). eventually nalugi yung kantahan at doon na nagsimulang mag-expang sila mori. naalala ko pa nga kumakain ako dun habang may construction sa katabing puwesto dahil sa kabab expansion. kung bibilangin ko kung ilang taon na kong kumakain sa kabab siguro lagpas 15 years na. funny thing is, sa tagal-tagal ko nang kumakain sa kabab, e ni di pa yata ako nag-order ng shawarma. ewan mas feel ko lang siguro yung meals nila. hahahaha

tapos, ilan sa aking mga recommended dishes:

1. sizzling keema with eggplant
2. chicken liver dish, 2 pita
3. special chelo kabab
4. chicken/beef/lamb (sobrang sarap ng lamb! natutunaw siya sa bibig mo!) biryani
5. hummus/motabal with pita
Wednesday, September 26th, 2007
9:44 pm
[iska_diwata]
my ultimate combo meal
keema with eggplant
2 pita or rice plus 1 pita
1/2 nung bote ng garlic sauce
tapos malamig na softdrink -- pepsi.


marami akong gusto. pero eto siguro yung frequent order ko.

may idea ba kayo kung saan ang bagong location ng mister kabab at magiging accessible ito sa mga commuters (lalo na sa mga galing pang maynila) tulad ko? :)

Current Mood: content
9:20 pm
[clips_on_the_go]
First Post!

What is your ultimate Mister Kabab combo meal? :)

MISTER KABAB's FRIENDSTER ACCOUNT   About LiveJournal.com